Sinampahan ng kasong tax evasion ng BIR o Bureau of Internal Revenue sa DOJ o Department Of Justice ang apat na pribadong kumpaniya na nabigong magbayad ng kaukulang buwis sa pamahalaan.
Partikular na tinukoy ng BIR ang mga kumpaniyang Amberbase Solutions Leasing Corporation, Ambros Industries Incorporated, Power Generation of the Philippines o POWERGEN at la Chilo Cuisine Incorporated.
Aabot sa mahigit 15 Milyong Piso ang hindi nabayarang buwis ng Amberbase para sa taong 2011, mahigit 30.5 Milyong Piso naman ang Ambrose para sa taong 2010.
Mahigit 34 na Milyong Piso naman ang hindi nabayarang buwis ng La Chilo Cuisine para sa taong 2010 habang nasa kabuuang 196 na Milyong Piso ang hindi nabayarang buwis ng POWERGEN mula 2007 hanggang 2008.
Ulat ni DWIZ Patrol Reporter Bert Mozo
Posted by: Robert Eugenio