Nakitaan ng Department Of Health ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 ang apat na rehiyon.
Sa laging handa briefing, sinabi ni DOH Usec. Maria Rosario Vegeire, na base sa inilalabas nilang report kada-araw, kapansin-pansin ang pagtaas ng virus cases sa mga rehiyon ng 7, 10, 12 at Caraga region, maliban na lamang sa Agusan Del Sur.
Ito aniya ang dahilan kung bakit dumami ang bilang ng mga specimen na kinakailangang ma-sequence sa susunod na linggo sa Philippine Genome Center (PGC).
Sa katunayan, ani Vergeire, tuloy-tuloy parin ang pangongolekta nila ng mga samples sa region VII, region X at Caraga region.
Maging sa ibang mga rehiyon din aniya ng bansa, ay mayroon din aniya silang nakukuhang mga specimen ngunit mas marami lamang aniya sa tatlong nabanggit na mga lugar.