Sugatan ang apat na sundalo nang mabangga ang kanilang sinasakyang military truck sa Naawan, Misamis Oriental.
Kabilang ang mga sundalo sa grupo ng mga nakatakdang magbigay ng relief sa mga residente ng Barangay Rogongon na apektado ng bakbakan ng Militar at New Peoples Army.
Nagpapagaling na ang mga sundalo habang hindi naman tinukoy ang nangyari sa drayber ng taxi.