Natagpuan ang apat na syringe na pinaniniwalaang ginamit para patayin ang mga baboy na hinihinalang may African Swine Fever (ASF) sa Quezon City.
Base sa report ng mga otoridad, natagpuan ang syringe na pinaglalaruan ng mga bata sa Barangay Bagong Silangan.
Ayon naman kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, labag ito sa kanilang protocol hinggil sa medical waste disposal.
Dagdag pa ng Alkalde, inabisuhan na ng veterinary office ng lungsod ang kanilang mga empleyado hinggil sa tamang pagtatapon ng ganitong klase ng mga kagamitan.
Sa ngayon ay pinakilos na ni Belmonte ang Quezon City solid waste management task force at mga opisyales ng nasabing barangay para sa proper disposal ng mga syringe.