Ang isa sanang tipikal na araw, nauwi sa isang bangungot para sa mga magulang ng isang batang babae na nasawi matapos taaman ng ligaw na bala mula sa insidente na naganap malapit sa kinaroroonan nilang pamilya.
Ang buong kwento, alamin.
Isang araw sa Ohio, rumesponde ang St. Clair Township Police sa tawag ng 30-anyos na lalaking posible raw isang suicidal na si Joseph Como.
Natagpuan daw ng mga pulis ang lalaki na mag-isang naglalakad sa daan at tila balisa.
Sinubukan ng mga pulis na kausapin si Como ngunit agad itong nagpaputok ng baril sa kanila.
Nakipagpalitan naman ng putok ang mga pulis na siyang kumitil sa buhay ng lalaki.
Ngunit sa kasamaang palad, mayroon palang nadamay sa nasabing engkwentro ng dalawang panig.
Sa hindi kalayuan, mayroong isang pamilya na bumisita sa clinic na Dentistry for Children & Teens.
Ang walang kamalay-malay at nasa loob ng opisina ng dentista ay ang apat na taong gulang na si Rosalie Martinez ay tinamaan ng ligaw na bala.
Bukod kay Rosalie ay dinala rin sa ospital at nanatili sa ICU ang 26-anyos na Officer na si Dakota Wetzel na tinamaan sa ulo. Sumailalim na sa operasyon ang pulis at patuloy na nagpapagaling.
Ngunit si Rosalie, binawian din ng buhay sa ospital.
Samantala, nagsagawa naman ng fundraising ang Ohio F-O-P Foundation para kay detective Wetzle at Rosalie dahil wala raw pala itong insurance dahil hindi naman inasahan ng kaniyang mga magulang na kukunin ito sa kanila nang maaga.
Ikaw, anong masasabi mo sa hindi inaasahang pagpanaw ng bata?