Nasungkit ng Pilipinas ang apat na prestihiyosong titulo sa katatapos lamang na Grand Final Gala Ceremony para sa 2024 World Travel Awards na ginanap sa Madeira, Portugal.
Itinanghal ang Pilipinas bilang World’s Leading Dive Destination sa ika-anim na magkakasunod na taon, habang kinilala rin ang Maynila bilang World’s Leading City Destination sa ikalawang beses.
Hinirang naman na World’s Leading Luxury Island Destination ang Boracay dahil sa kagandahan nito at high-end offerings sa isla.
Maliban dito, nakamit din ng Department of Tourism sa unang pagkakataon ang titulo bilang World’s Leading Tourist Board, isang pagkilala sa kanilang tagumpay sa pagpapalaganap ng turismo ng bansa.
Ayon kay Tourism Secretary Christina Garcia Frasco, ito ay bunga ng sama-samang pagsisikap ng gobyerno at pribadong sektor sa ilalim ng administrasyong Marcos.