Apat na tropical cyclones sa labas ng Philippine Area of Responsibility ang binabantayan ngayon ng Pagasa.
Ang tropical storm “Lupit” na malaki ang tyansang pumasok sa PAR ay huling namataan sa layong 580 kilometro Hilagang Kanluran ng Itbayat, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometro kada oras at may pagbugsong aabot sa 90 oras.
Samantala namataan naman ang tropical storm Mirinae at Nida sa bahagi ng Extreme Northern Luzon.
Ang Mirinae ay ang dating bagyong Gorio na nasa 1,800 kilometro Hilaga Silangan ng Extreme Northern Luzon. Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometro kada oras at pagbugsong aabot sa 55 kilometro kada oras.