Patay ang apat na indibidwal habang sugatan naman ang apat na iba pa sa isang motorcycle bombing sa Southern Iraq.
Ayon sa Iraqi Security Forces, dalawa pang sasakyan ang sinunog ng pinaghihinalaang mga miyembro ng militante mula sa grupong Islamic State.
Wala pang umaako sa naganap na pag-atake kaya’t patuloy pang iniimbestigahan ng mga otoridad kung sino ang responsable sa pagsabog.—sa panulat ni Angelica Doctolero