Patay ang apat na miyembro ng pamilya matapos madaganan ng trak na naglalaman ng tubo ang kotseng sinasakyan ng mga ito sa Barangay Atipulan, Bago City, Negros Occidental.
Kinilala ang mga nasawi na sina Romulo Espinosa, 59 anyos, asawa nitong si Josephine 53-anyos, anak na si Christine Sarcia, 31 at apo na si Vincent John 4-taong gulang.
Batay sa imbestigasyon ng Bacolod City Police Station nawalan ng kontrol ang trak habang paliko ito sa isang kurbadang daan at dahil sa bigat ng tubo na dala nito dito tumagilid ang trak at nadaganan ang kasabay na kotse na ikinasawi ng apat katao.
Giit ng driver na si Herman Mahumitano hindi mabilis ang kaniyang pagmamaneho at hindi rin niya namalayang may nadagnang sasakyan ang kaniyang trak.
Kasong reckless imprudence resulting in homicide at damage to property ang kakaharapin ni Mahumitano.
—-