Sumampa na sa apat ang bilang ng namatay sa nagaganap na bushfire sa Australia.
Ayon kay Australian Police, nadagdagan sa listahan ang bangkay ng isang lalaki sa labas ng Kempsey, New South Wales na kabilang sa mga lugar na malubhang tinamaan ng sunog.
Bukod sa mga nasawi, daan – daang mga kabahayan at mahigit isang milyong ektaryang damuhan ang naapektuhan ng sunog.