Apat ang patay sa insidente ng pamamaril sa bahagi ng Pigcawayan, Cotabato.
Batay sa impormasyon mula kay North Cotabato Provincial Police Director Col. Henry Villar, naganap ang pananambang sa national highway sa barangay tubon dakong ala sais y medya kaninang umaga.
Pawang sakay aniya ng isang kulay pulang SUV ang mga hindi pa nakikilalang mga biktima.
Patuloy naman ang imbestigasyon sa insidente para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga biktima, mga nasa likod at motibo sa krimen.