Patay ang apat na indibidwal habang sugatan naman ang 17 iba pa sa panibagong pagsabog sa Baghdad, Iraq.
Ayon sa pulisya, bigla na lamang sumabog ang isang nakaparadang kotse sa isang second-hand equipment market sa Shia district.
Maliban sa mga nasawi, limang iba pang sasakyan ang nasira dahil sa insidente.
Wala pang umaakong grupo sa nasabing pag-atake.