Sugatan ang apat katao matapos sumabog ang isang tangke ng Liquified Petroleum Gas (LPG) sa isang restaurant sa Yakal St. Palanan, Makati City.
Ayon kay Police Maj. Gideon Ines ng Makati City Police, posibleng gas leak ang dahilan ng pagsabog.
Mabuti na lamang umano ay sarado ang restaurant nang mangyari ang insidente kaya’t walang nadamay na customer.
Tanging apat na empleyado ng restaurant ang nagtamo ng minor injuries.