Hinimok ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Member Economies na solusyunan ang mga kinakaharap na hamon ng service sector ng rehiyon, partikular na ang shipping at logistic services na siyang pundasyon o backbone ng Global Trade and Investment.
Ito ang inihayag ni Pang. Marcos, sa kanyang naging intervention sa ginanap na APEC Leader’s Speech and Formal Dialogue.
Umapela din ang Pangulo sa mga APEC leaders na tuldukan na ang diskriminasyon sa mga produktong gawa o galing sa mga maliliit na negosyante.
Kabilang pa sa ipinanawagan ng Punong Ehekutibo ang pagresolba sa Climate Change na maituturing aniyang “The Greatest Existential Threat” na nakakaapekto sa buong rehiyon.