Nakalatag na ang mga kalsada na eksklusibong daraanan ng mga delegado sa APEC Summit mula November 16 hanggang 20.
Tig-dalawang lanes sa north at southbound ng EDSA ang inilaan para lamang sa mga APEC vehicles mula sa Shaw Blvd. hanggang sa SM Mall of Asia sa Pasay City sa loob ng limang araw.
Samantala, ang buong southbound lane ng Roxas Blvd. mula sa Manila Hotel hanggang sa airport road ay para lamang sa APEC vehicles samantalang gagawing two way ang northbound para magamit ng mga sasakyang hindi kabilang sa APEC.
Sarado ng limang araw ang Bukaneg St., Vicente Sotto St., M. Jalandoni St., Buendia Avenue Extension at J.W. Diokno Boulevard Bridge sa Cultural Center of the Philippines hanggang sa PICC.
Bente kwatro (24) oras ang truck ban na ipatutupad sa Roxas Blvd. sa kabuuan ng APEC Summit samantalang mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng gabi ay bawal ang truck sa Port of Manila hanggang sa South Luzon Expressway.
Ipatutupad naman ang no fly zone sa NAIA mula November 17, 19 at 20.
By Len Aguirre