Nagsilbing moderator ang Pangulong Benigno Aquino III sa closed door leaders retreat sa ikalawang araw ng APEC Leaders Summit sa PICC.
Kabilang sa inaasahang tatalakayin sa closed door retreat kung paano pakikinabangan ng lahat ang pag-unlad ng ekonomiya at kung paano pagagandahin ang mundo.
Pagkatapos ng retreat ay inaaasahan, ang isa isa nang pag-alis ng mga APEC leaders.
Una rito ay hindi na dumalo sa retreat ang kinatawan ni Russian President Vladimir Putin na umalis na dakong umaga at maging si Columbian President Juan Manuel Santos.
Kabilang naman sa paalis na matapos ang retreat ay sina President Michelle Bachelet ng Chile, Malaysian Prime Minister Najib Razak, Australian Prime Minister Malcolm Trunbull, Singaporean Prime Minister Lee Hsien Loong, Prime Minister Prayuth Chan Ocha ng Thailand, President Truong Tan San ng Vietnam, Chief Executive Leung Chun –Ying ng Hong Kong at Mexican President Enrique Peña Nieto.
By Len Aguirre
*Photo Credit: Malacanang Photo Bureau