Kinilala ni Pangulong Benigno Aquino III ang kahalagahan ng pribadong sektor para sa pag-unlad ng ekonomiya ng isang bansa.
Sa kanyang talumpati sa APEC Small and Medium Enterprises Summit, binigyang pugay ng Pangulo ang malaking papel ng maliliit at katamtamang mga negosyo sa pag-unlad ng isang bansa.
Dito aniya sa Pilipinas halos 99 na porsyento ng mga negosyo ay mga micro, small and medium enterprises at halos 64 na porsyento ng trabaho ay nagmula sa mga ito.
Tiniyak ng Pangulo na patuloy ang pagsisikap ng pamahalaan na matulungan ang mga maliliit na negosyo sa bansa.
Sa pamamagitan aniya ito ng mas malalim na partisipasyon ng mga MSME’s sa mga APEC member countries.
By Len Aguirre