Itinuturing nang matagumpay ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Trade and Industry (DTI) ang isasagawa pa lamang na APEC Summit sa bansa simula ngayong araw na ito.
Kapwa binigyang diin nina DFA Secretary Albert del Rosario at DTI Secretary Gregory Domingo na malaking achievement na ang pagsusulong ng konsepto ng quality growth sa pagitan ng mga miyembro ng APEC.
Kasunod na rin ito nang pakikipag-pulong nina Del Rosario at Domingo sa kanilang counterpart na bumibisita rin sa Pilipinas para sa APEC Summit.
Sinabi ni Del Rosario na nakarating na ang malaking bilang ng economic leaders at maayos naman ang naging biyahe ng lahat.
By Judith Larino