Kanselado na ang Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Chile na gaganapin sa susunod na buwan.
Hindi na rin matutuloy ang global climate gathering sa Disyembre 2 hanggang 12 ngayong taon.
Ayon kay Chilean President Sebastian Pinera, ibinaba ang desisyon kasunod ng nagaganap na kilos protesta sa naturang bansa.
Aniya, kailangan niyang unahin ang kalagayan at kaligtasan ng mga mamamayan sa Chile.
Prayoridad din niya ang pagbabalik ng public order sa kaniyang bansa.
Matatandaang sumiklab ang kilos protesta sa Chile matapos ilabas ang panukalang pagtataas ng pasahe sa pampublikong transportasyon.