Umaasa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na magiging mapayapa ang idaraos na Asia Pacific Economic Cooperation o APEC Meetings, ngayong linggo.
Ito’y sa kabila ng pangamba ng mga grupo na posibleng isabotahe ang aktibidad sa pamamagitan ng mga pag-atake gaya ng insidente sa Paris, France.
Ayon kay AFP Spokesman Col. Restituto Padilla, handa ang tropa ng gobyerno sa anumang scenario at daragdagan ang visibility sa lahat ng lugar.
Ito’y bilang bahagi ng security preparations para sa APEC leaders meeting sa Nobyembre 18 hanggang 19.
Hindi pa naman anya kailangang baguhin sa ngayon ang umiiral na security protocols dahil sa “terror attacks” sa Paris.
Samantala, inihayag naman ni Padilla na maliit ang presensya ng ISIS sa Pilipinas kahit pa may ilang Muslim rebel group na ang sympathizer ng pinaka-notorious na terror group sa mundo.
By Drew Nacino