Umabot na sa mahigit isang milyong katao ang apektado sa pitong rehiyon sa Southern Tagalog, Bicol Region at Eastern Visayas dulot ng shearline at low pressure area.
Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, may kabuuang 1,122,093 katao o katumbas ng halos tatlong daang libong pamilya sa mahigit isang libong barangay sa CALABARZON, Bicol Region, MIMAROPA, Bicol Region, Western at Eastern Visayas, Northern Mindanao at CARAGA ang naapektuhan ng malakas na pag-ulan sa bansa.
Aabot naman sa 48,720 individuals ang lumikas sa 162 evacuation center matapos ang pagbaha at landslide sa nasabing mga lalawigan.
Dagdag pa ng NDRRMC, na may kabuuang 147 road sections at siyam na tulay ang naapektuhan ng masamang panahon habang 270 kabahayan ang nasira.
Umakyat naman sa ₱119.8-M ang halaga ng pinsala sa agrikultura.