Nakauwi na ng bansa ang 234 na mga Pilipino mula Gitnang Silangan na apektado ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Sarah Lou Arriola, ang mga Pinoy na galing Dubai, Abu Dhabi at Bahrain ay dumating sa Maynila sakay ng isang chartered flight ng Philippine Airlines.
Sinasabing pinondohan ang pagpapauwi sa mga Pinoy mula Middle East sa ilalim ng Assistance to Nationals o ATN Fund ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Agad namang dinala sa ospital ang ilang repatriates na nangangailangan ng atensiyong medikal.