Umabot na sa 4,500 indibidwal sa CALABARZON ang naapektuhan ng pag-aalburuto ng Taal Volcano sa Batangas.
Sa Laging Handa Briefing, sinabi ni DSWD Undersecretary Felicisimo Budiongan, na nasa 1,200 pamilya o nasa 4,500 indibidwal ang apektado sa Bulkang Taal.
Mahigit 500 pamilya ang nananatili sa 16 na evacuation centers sa Agoncillo, Nasugbu at Laurel.
Habang 700 pamilya ang pansamantalang nananaitli sa bahay ng kanilang kaibigan at kapamilya.
Dagdag ni Budiongan, nagpadala rin ang DSWD ng dalawandaang tent sa Batangas Sports Center at 1 milyong face mask sa mga apektadong residente.
Samantala, ipinabatid naman ng Phivolcs na nananatili pa rin sa Alert Level 3 ang Taal Volcano kung saan posibleng maghimok ito ng pagsabog ng Bulkang Taal.