Nabigyan ng pag-asa matapos mabahagian ng tulong ng lokal na pamahalaan ang ilang mga apektadong residente at manggagawa sa Antipolo, Rizal.
Tumanggap ng cash assistance na nagkakahalaga ng 4,000 pesos ang daan-daang benepisyaryo sa pamamagitan ng tulong panghanapbuhay sa ating disadvantaged/displaced workers o tupad program.
Nakatanggap rin ng livelihood assistance ang ilang piling beneficiaries na nagkakahalaga ng halos 30,000 pesos bawat isa, may mga ibinahagi ring cellphone na may kasamang 5,000 peso load, sapatos at bisekleta.
Ginanap naman ang pamamahagi ng tulong sa Ynares Center, sa nabanggit na lugar. —sa panulat ni Mara Valle