Ibinasura ng Commission on Elections o COMELEC ang motion for reconsideration ni San Juan Mayor Guia Gomez laban sa ipinag-utos na recall election sa San Juan.
TINGNAN: Comelec resolution na nagbabasura sa motion for reconsideration ni San Juan Mayor Guia Gomez laban sa isinusulong na recall election ng kampo ni dating San Juan Vice Mayor Francis Zamora @dwiz882 pic.twitter.com/qOjGRZ47YC
— Jonathan Andal (@JonathanAndal_) April 23, 2018
Ito ang inanunsiyo ni dating Vice Mayor Francis Zamora sa kanyang mga taga-suporta ngayong araw.
Ayon kay Zamora, uusad na ngayon ang proseso ng recall election kung saan sa Miyerkoles, April 25 sisimulan na ang beripikasyon sa 30,000 pirmang nakalap ng kanilang kampo para sa recall petition.
Tatagal ang beirpikasyon hanggang May 1.
Pagkatapos nito, itatakda ng COMELEC ang petsa ng eleksyon sa pagka-alkalde ng San Juan.
Noong Disyembre 2017, pinaboran ng COMELEC ang petisyon ni Zamora na magdaos ng recall election sa San Juan matapos silang makakalp ng 30,000 pirma mula sa mga residente ng lungsod, lagpas sa kailangang 15,000 pirma para umusad ang petisyon.
—-