Nagpadala na ng letter of appeal ang motorcycle hailing app na Angkas sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Ito ay upang kuwestiyunin ang nasa 6 na bagong probisyong ipinalabas ng ahensiya para sa mga rider ng motorcycle taxis.
Sa liham na kanilang ipinadala kay LTFRB motorcycle taxi technical working group chair Antonio Gardiol jr., iginiit ni Angkas regulatory and public affairs head George Royeca magiging malaking problema ang mga naturang probisyon.
Kabilang na aniya rito ang paglalagay ng arbitrary cap na 30,000 bikers sa Metro Manila at 9,000 sa Metro Cebu para sa Angkas at 2 bagong new players.
Naniniwala si Royeca na muling magbabalik sa pagkuha ng mga habal-habal ang mga pasahero ng angkas dahil dito.