Ibinasura ng Court of Appeals ang inihaing apela ni ang Dating Daan Head Eliseo “eli” Soriano kaugnay sa kasong libelo na isinampa ng kanyang kapwa preacher.
Sa 7 pahinang resolusyon na isinulat ni Court of Appeals 12th Division Associate Justice Maria Elisa Sempio-Diy, ibinasura nito ang inihaing motion for reconsideration ni Soriano noong September 28, 2015 na kumukwestyon sa August 17, 2015 Ruling ng Appellate Court na nagdidiin kay Soriano sa libel case.
Nauna nang pinagtibay ng CA ang Consolidated Judgment ng Iriga City Regional Trial Court Branch 60 noong June 8, 2012, kung saan pinatawan nito ng guilty sa dalawang bilang ng kasong libelo si Soriano.
Nag-ugat ang kaso sa inihaing reklamo ni Jesus Miracle Crusade’s Preacher Wilde Almeda kung saan iginiit nito na mapanira ang mga naging pahayag ni Soriano sa isang radio broadcast kaugnay ng pamamahayag ni Almeda na isinagawa nito sa Iriga City at Baao, Camarines Sur.
By: Meann Tanbio