Kinontra ng DOH at Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ang inihayag ng isang opisyal mula sa organisasyon ng medical workers na marami pa umanong health workers ang hindi pa nakakatanggap ng kanilang COVID-19 benefits.
Sa isang report na inilabas ni Duque, pinakita ng kalihim na mahigit 200 milyong piso na ang naipamahagi ng RITM na COVID-19 allowances mula pa noong 2020.
Sa nabanggit na halaga, 65.9 million pesos ay nakalaan para sa special risk allowance, 23 million pesos para sa active hazard duty pay at karagdagang 120 million pesos para sa pagkain, accomodation at transportation allowance.
Nakatanggap na rin umano ng kanilang allowances ang mga permanent employees at mga manggagawang contract of service.