Dapat na umanong magbago ang kaisipan ng mga Pinoy sa konsepto ni Maria Clara na mahinhin, tahimik at mahiyain na madalas ihalintulad o ilarawan sa mga babae ng kasalukuyang panahon.
Ito ang binigyang diin ni Supreme Court Assoc./Justice Samuel Martirez makaraang ipawalang sala nito ang dalawang akusado sa panghahalay dahil lamang sa magkaibang pahayag ng biktima.
Binigyang diin ni Martirez na hindi aniya nagtugma ang testimoniya ng hindi pinangalanang biktima sa inilabas na medico legal report dahil wala ruon ang madalas makita sa mga resulta na most common lacerations sa bawat biktima ng rape.
Dahil dito, sinabi ni Martirez na dapat matanggap na ngayon ng publiko na ang mga babaeng Pilipina ngayon ay malakas, mataas ang kumpiyansa sa sarili, maganda at matalino na kayang ipaglaban ang karapatan.
DWIZ Patrol Reporter Bert Mozo
Posted by: Robert Eugenio