Nilinaw ng Department of Interior and Local Government (DILG) na nananatili ang suporta ni Lanao Del Sur Governor Mamintal Adiong sa Balik Probinsya Program ng national government.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, binawi na ni Adiong ang nauna nitong apela sa pamahalaan na itigil muna ang Balik Probinsya Program dahil naging dahilan ito ng pagtaas ng COVID-19 cases sa Lanao Del Sur.
Posible anyang out of context lang ang napaulat na apela ng gobernador.
Bukod dito, nagkaroon rin anya ng kalituhan sa hatid probinsya at Balik Probinsya Program.
Ang hatid probinsya ay para sa mga nai-stranded sa Metro Manila sa panahon ng quarantine samantalang ang balik probinsya ay para sa mga matagal nang naninirahan sa Metro Manila na gusto nang magbalik sa kanilang probinsya.
Una nang sinabi ni Adiong na hinihiling nila sa national government na itigil pansamantala ang balik probinsya program at unti-unti ang gawing pagpapatupad nito sa hinaharap.