Ibinasura ng Korte Suprema ang apela ng Manila Electric Co. o Meralco hinggil sa kaso na may kinalaman sa polisiya ng power firm.
Sa hatol ng Supreme Court, pinagtibay ng mataas na hukuman ang obligasyon ng Meralco na dapat naaabisuhan muna ang mga kustomer apatnapu’t walong oras o dalawang araw bago sila putulan ng kuryente.
Bagama’t wala pa itong natanggap ng korte ng desisyon, inihayag ng Meralco na matagal na itong nagpapatupad ng 48-hour notice rule para sa disconnection.
Ang kinukuwestiyon umanong insidente ay nangyari noong pang 1999.
Samantala, isinusulong naman ni Presidential Adviser for Poverty Alleviation Larry Gadon ang pag-review sa 48-hour notice rule dahil maaari aniyang hindi ito sapat, partikular sa ilang kaso na kinasasangkutan ng mga mahihirap na consumers.