Ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon ni presidential aspirant Rizalito David laban sa desisyon ng Commission on Elections (COMELEC) na nagdedeklara sa kanya bilang nuisance candidate.
Ayon sa Supreme Court En Banc, hindi umabuso sa tungkulin ang COMELEC nang ibaba ang desisyon laban kay David.
Matatandaang si David ang naghain ng disqualification case laban kay Senator Grace Poe sa Senate Electoral Tribunal o SET.
Bukod sa hirit ni David, ibinasura rin ng kataas-taasang hukuman ang kaparehong apela ng iba pang petitioner na kinabibilangan ni Atty. Ely Pamatong.
By Jelbert Perdez | Bert Mozo (Patrol 3)