Ibinasura ng Department of Transportation (DOTr) ang apela ng Miascor Aviation Services na muling pag-aralan ng kagawaran ang pasya nito na kanselahin ang kanilang kontrata bilang ground handler sa ilang paliparan sa bansa.
Sa ipinalabas na pahayag ng DOTr, nanindigan ang kagawaran sa kanilang pasya na hindi na ire-renew ang kontrata ng Miascor sa Manila International Airport Authority (MIAA) sa oras na magtapos ito sa Abril.
Kasunod na rin ito anila ng naunang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi ito tatanggap ng anumang apela mula sa Miascor.
Magugunitang, ipinatigil ng DOTr ang kontrata ng Miascor matapos ang insidente ng pagnanakaw sa bagahe ng isang Filipino overseas workers na pasahero sa Clark International Airport.
—-