Ibinasura ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang apela ng motorcycle-hailing service Angkas na muling makapag-operate.
Ayon kay L.T.F.R.B. Chairman Martin Delgra, ipinagbabawal ng batas ang mga two-wheel vehicle na gamitin sa public transportation dahil hindi ito ligtas.
Kung talaga anyang pursigido ang Angkas na makapag-operate muli, ang Kongreso ang kanilang dapat kalampagin dahil ito ang may kapangyarihan na amyendahan ang nakasaad sa nasabing batas.
Samantala, magsasagawa naman ng job fair ang L.T.F.R.B. para sa mga rider ng Angkas na nawalan ng hanapbuhay dahil sa pagpapatigil sa kanilang operasyon.