Nanawagan ang Malacañang sa publiko na paghandaan ang mga ipatutupad na water interruptions ng mga water concessionaire.
Ito’y sa harap na rin ng mga abiso ng Maynilad na water interruption sa kanilang mga konsyumer na posibleng abuting ng hanggang 20 oras kada araw.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio Coloma, pananagutan ng bawat isa maging ng mga taga-pamahalaan ang pagtitipid ng tubig.
Binigyang diin pa ni Coloma na bahagi ng paghahanda sa malawakang epekto ng El Niño sa bansa ang mga water interruptions upang makatiyak na makatatanggap lahat ng sapat na suplay ng tubig.
By Jaymark Dagala