Umapela ang United Nations (UN) sa pamahalaan ng Syria na payagan ang pagpasok ng kanilang relief goods para sa mga sibilyan na wala nang makain.
Nais samantalahin ng UN ang pagpapahaba pa ng 48 oras sa ceasefire na binuo ng Russia at Estados Unidos.
Ayon sa UN, may 20 trucks ng supplies ang dalawang araw nang naka-standby sa buffer zone sa pagitan ng Turkey at Syria.
Una nang sinabi ng Russia na sinusunod ng Syrian Armed Forces ang obligasyon nila sa ceasefire agreement at nagsimula na ang unti unting pag atras ng mga ito mula sa Castello Road patungo ng Aleppo City.
Gayunman, sinasabing hindi pa kumikilos ang mga rebeldeng grupo sa Syria sa kasunduan ng pag-atras.
By Len Aguirre