Tutulungan ng pamahalaan ang CPP- NDF na makawala sa listahan ng mga teroristang grupo ng Estados Unidos at European Union.
Ito, ayon kay Presidential Peace Adviser Jesus Dureza ay sa sandaling pormal nang tumulong ang CPP-NDF sa pagkamit ng kapayapaan sa bansa sa pamamagitan ng peacetalks.
Una rito, nagpahayag ng pangamba ang CPP-NDF na arestuhin ng US si CPP-NDF Founding Chairman Jose Maria Sison sa bisa ng kanilang terror list.
Taong 2002 nang hilingin ni dating Pangulong Gloria Arroyo na isama ng US sa kanilang terror list ang CPP-NPA.
Bahagi ng pahayag ni Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza
Samantala, tiniyak rin ni Dureza na ipatutupad nila ang JASIG o Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees sa sandaling simulan ang peacetalks.
Matagal na anyang mayroong JASIG subalit hindi ito ipinatupad sa mga nagdaang administrasyon.
Bahagi ng pahayag ni Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza
Ceasefire
Pag-uusapan na ng Phlippine negotiating panel at ng CPP-NDF Peace Panel ang mga makanismo para sa pagpapatupad ng tigil-putukan sa magkabilang panig.
Ayon kay Presidential Peace Adviser Jesus Dureza, hindi puwedeng unilateral o isang panig lamang ang magdeklara ng ceasefire sa sandaling simulan nila ang peacetalks.
Kailangan anyang mailatag ang isyu sa negotiating table dahil hindi naman simpleng tigil-putukan ang dapat nilang ipatupad.
Nakatakdang muling magpulong ang government at CPP-NDF Peace Panels sa ikatlong linggo ng buwang ito sa Oslo Norway.
Bahagi ng pahayag ni Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza
Vs. illegal drugs
Pinawi ng pamahalaan ang pangamba sa apela ni Pangulong Rodrigo Duterte sa CPP-NPA na tumulong sa pag-aresto sa mga sangkot sa illegal drugs.
Ayon kay Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza, hindi dapat pangunahan ng pangamba ang apela ng pangulo.
Bahagi ng pahayag ni Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza
Samantala, aminado si Dureza na hindi pa nila napag-uusapan ng CPP NDF ang hinggil sa mga law enforcers na bihag ng NPA.
Una rito, nagpahayag ng kahandaan ang CPP-NPA na tumulong sa kampanya laban sa illegal drugs.
Sa katunayan, matagal na umano nila itong ginagawa tulad ng pag-aresto sa hepe ng PNP sa Davao Oriental Province na di umano’y sangkot sa illegal drugs.
By Len Aguirre | Ratsada Balita