Hiwalay na pagpapasyahan ng Commission on Elections o COMELEC En Banc ang mga inihaing apela ng kampo ni Senadora Grace Poe.
Kaugnay ito sa magkakahiwalay na desisyon ng dalawang dibisyon ng poll body na nagdidiskuwalipika sa kandidatura ng senadora.
Ayon kay COMELEC Chairman Andy Bautista, may hanggang ngayon na lamang ang kampo ni Poe na maghain ng motion for reconsideration laban sa mga naging desisyon ng COMELEC.
Ngunit paglilinaw ng poll chief, hindi obligado ang En Banc na i-consolidate o pagsamahin ang dalawang apela.
Nais din ni Bautista na maisalang sa En Banc session ang kaso ni Poe para mabigyan siya ng pagkakataon na makalahok sa isasagawang oral argument.
By Jaymark Dagala