Ibinasura ng Philippine National Police o PNP ang apela ni Daraga Albay Mayor Carlwyn Baldo na muling suriin ang mga ebidensya na nag-uugnay sa kanya sa pagpatay kay Ako Bicol Representative Rodel Batocabe.
Ayon kay PNP Chief General Oscar Albayalde, nasa korte na ang kaso laban kay Baldo at hindi na ito maaaring busisiin pa ng pulisya.
Ang korte na aniya ang may kapangyarihan hinggil dito.
Muli lamang aniya nilang pag-aaralan ang isang kaso kung ito ay ipaguutos ng korte.
Samantala magugunitang umapela si Baldo kay Pangulong Rodrigo Duterte at Justice Secretary Menardo Guevarra na tignan ang mga ebidensyang nakalap ng mga otoridad kaugnay sa pagpatay kay Batocabe.