Lusot na sa Kamara ang panukalang nagpapahintulot sa asawang babae na gamitin ang kanilang apelyido sa pagkadalaga.
Sa botong 227-0, aprubado na ang House Bill 10459 na mag-aamyenda sa Article 370 ng Republic Act 386 o New Civil Code of the Philippines.
Sa ilalim ng bill, magdaragdag ng isang pangungusap na nagtatakda na maaaring gamitin ng asawang babae ang kanyang “maiden first name at surname.”
Ipinunto ng House Committee on Revision of Laws na ang layunin ng panukala ay magkaroon ng equality ang lalaki at babae sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa asawang babae na panatilihin ang kanyang apelyido sa pagkadalaga. —sa panulat ni Drew Nacino