Bukas ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa hakbang ng social media platform na Lyka na mag-aplay bilang “Operator of Payment System” (OPS).
Ito’y matapos maglabas ang BSP ng Cease and Desist Order laban sa Lyka at iginiit na dapat ito mismo ang magparehistro bilang OPS at hindi sa pamamagitan ng local third party na digital spring.
Iginalang naman ng Lyka ang kautusang ito ng BSP at tiniyak na gagawin ang nararapat na proseso sa bansa.
Kaugnay nito, pinahihintulutan pa rin ng BSP ang mga users ng Lyka para gamitin ang mga gems nito na pambili o pambayad sa mga bilihin o serbisyo.