Otomatiko nang ma-aaprubahan ang aplikasyon para sa common tower ng telcos pagkatapos ng seven working days.
Inilatag ito ni Atty. Jeremiah Belgica, director general ng Anti-Red Tape Authority (ARTA).
Ayon kay Belgica, idedeklara ng ARTA na aprubado na ang mga aplikasyon na nakabinbin ng dalawang araw.
Nauna nang lumagda ang ARTA , DICT at iba pang ahensya ng pamahalaan sa joint memorandum circular kung saan limitado na lamang sa 16 na araw ang pagproses sa mga permit na hinihingi ng telcos sa pagpapatayo ng towers.
Una rito ay binantaan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang telcos na ayusin hanggang Disyembre ang kanilang serbisyo kung ayaw nilang kumpiskahin ng gobyerno ang kanilang kumpanya.
Personal nang idinulog ng Globe sa pangulo ang problema nila dahil inaabot umano ng taon ang aplikasyon ng permit para sa pagpapatayo ng towers.