Pinaalalahanan ng Department of Interior and Local Government (DILG) na ngayong araw na ang deadline nila sa pagtanggap ng aplikasyon para sa libu-libong contact tracers na tutulong sa COVID-19 response ng pamahalaan.
Alinsunod kasi sa bayanihan 2 law, awtorisado ang DILG sa pagha-hire ng hindi bababa sa 50k contact tracers sa buong bansa.
Paliwanag ni DILG Secretary Eduardo Año, ang dagdag na contact tracers ay ituturing na ‘game-changer’ sa hakbang ng bansa kontra sa nakamamatay na virus, gayundin sa pagpigil sa pagrami pa nito.
Mababatid na itatalaga ang mga makakapasok na contact tracers sa mga Local Government Units (LGU)
Ang mga matatanggap na contact tracers, ay makakatanggap ng sweldo na aabot sa higit 18k kada buwan at magtatagal ang kanilang kontrata hanggang sa Disyembre.