Nagsimula nang tumanggap ang Commission on Elections (COMELEC) ng Local Absentee Voting (LAV) para sa mga hindi makaboboto sa May 9, 2022.
Ang naturang LAV forms ay maaaring makuha sa opisyal na website ng COMELEC at maaaring isumite ito bago ang Marso 7, 2022.
Tanging ang mga opisyal at empleyado ng gobyerno, kabilang ang mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP), gayundin ang mga miyembro ng media, media practitioners kabilang ang kanilang mga technical at support staff, ang pinapayagan ng batas na mag-avail ng LAV.
Bukod dito, tanging mga aplikanteng registered voters at deactivated pa ang registration ang awtorisado sa nasabing LAV.
Samantala, ang media practitioners ay dapat mag-accomplish at magsumite ng LAV form 2 habang ang freelance journalists ay dapat maglaan ng sertipikasyon kalakip ang kanilang trabaho.
Gayundin para sa online publishers kung saan dapat silang magpresenta ng url ng kanilang publications o blogs kalakip ang kanilang pangalan.