Ilang employer ang umano’y tumatanggi na mag apply para sa P5,000 ayuda ng gobyerno sa kada manggagawang naapektuhan ng Luzon wide enhanced community quarantine.
Ayon ito kay Labor Assistant Secretary Dominique Tutay dahil makikita sa isusumiteng dokumento ng employers para sa assistance kung nagbabayad o hindi ng tamang pasuweldo o hindi ang mga ito.
Sinabi ni tutay na itinakda nila sa April 12 ang cash aid para sa employer na nagpatupad ng flexible work arrangement o pansamantalang nagsara dahil sa lockdown.
Priority aniya sa pag proseso ng application ang micro, small, at medium enterprises na mayruong 200 at pababang mga empleyado.
Inihayag ni Tutay na wala silang itinakdang deadline at ang mga aplikante ay tutugunan batay sa first come, first served basis.