Muling bubuksan ngayong araw ng Pasig Local Government Units (Pasig LGUs) ang aplikasyon para sa Special Program for Employment of Students (SPES) sa mga in-school youth o mga naka-enroll sa S.Y 2022-2023.
Sakop ng naturang programa ang mga estudyanteng may edad 15 hanggang 30 na magsisimula mamayang alas-10 ng umaga na tatagal naman hanggang alas-12 ng tanghali.
Ayon sa Lokal na Pamahalaan, First come, First served basis ang nasabing programa na mayroong 700 slots sa pamamagitan ng Pasig City Public Information Office official facebook page.
Kailangan lamang ihanda ang mga dokumento o requirements na kailangang i-upload bilang bahagi ng Online registration.
Sa ilalim ng naturang programa, magkakaroon ng isang buwan na trabaho sa City Hall ang mga aplikanteng mag-aaral na makakapasok kung saan, sisimulan ito sa August 1 hanggang 26.