Hindi muna tatanggap o magpo-proseso ng anumang aplikasyon para sa panibagong mining project ang Department of Environment and Natural Resources o DENR
Inihayag ito ni Environment Secretary Gina Lopez bilang pagtugon sa direktiba ni Pangulong rodrigo Duterte na repasuhin ang lahat ng mga inilabas na Permit sa mga Mining Companies
Iginiit ng Kalihim, alinsunod sa Republic Act 7942 o ang Philippine Mining Act of 1995 at Executive Order Number 79 ang ginagawa nilang hakbang
Sakop ng inilabas na memoranda ni Lopez ang pagsasailalim sa audit ng lahat ng mga Mining Firms suspendido man o hindi ang kanilang operasyon
Sakaling mapatutunayan na may naging paglabag, aalamin ng DENR kung gaano kalawak ang kanilang naging kasalanan batay sa batas ng pagmimina gayundin sa batas ng kalikasan
By: Jaymark Dagala