Pinasok na ng apo ni Pangulong Rodrigo Duterte mundo ng showbiz.
Ang anak ni Presidential son at Davao City Vice Mayor Paolo Duterte na si Isabelle Lovelie Duterte ay isa nang talent sa ilalim ng pamamahala ni Anabelle Rama at Viva Artist Center.
Labing anim na taong gulang si Isabelle at pangarap umano nito ang maging artista.
Una nang naging celebrity ang ikatlong anak ng Pangulo na si Sebastian Baste Duterte na mina-manage ngayon ni Bechay Vidanez na siya namang long-time manager ng action star na si Robin Padilla.
By Rianne Briones
Photo: Screengrab from allan_diones / Instagram