Hindi na kailangang kumuha pa ng travel authority ang mga sasakay ng provincial bus.
Sa halip na travel pass sinabi ni Joint Task Force Covid Shield Commander Police Lieutenant General Guillermo Eleazar na kailangan lamang mag-presenta ng manggagawa ng Employment Certificate lalo na kung may kinalaman sa trabaho ang biyahe sa mga lalawigan.
Nilinaw ni Eleazar na tanging ang mga indibidwal lamang na hindi kinokonsidera bilang Authorized Persons Outside Residence (APOR) ang kailangang magpresenta ng travel authority para sa provincial bus trips.
Una nang binuksan simula ngayong araw na ito ang 12 modified provincial bus routes mula at patungong Metro Manila at Regions 3 at 4a kung saan babyahe ang halos 300 bus.
Naging matumal naman ang dating ng provincial bus sa Paranaque Integrated Transport Exchange (PTIX)
Inihayag ni Alex Yague, Executive Director ng provincial bus operators of the Philippines na kakaunting bus lamang ang babyahe sa mga bagong binuksang ruta.
Posible aniyang naguguluhan ang mga pasahero kaugnay sa requirement na kailangang may 48 hours na pre-booking.