Inatasan na ng Interior Department ang Joint Task Force COVID-19 Shield na tauhan na ang mga quarantine control points sa boundary ng mga lugar sa ilalim ng National Capital Region (NCR) plus areas simula nitong hatingggabi.
Ito’y sang-ayon sa inilabas na kautusan ng Inter-Agency Task Force (IATF) resolution number 130-A na layong siguruhing tanging mga authorized persons outside of residence o APOR lamang ang makalalabas-masok sa NCR plus.
Paalala ng interior department sa Philippine National Police (PNP) na tanging mga APOR lamang na may IATF ID at iba pang patunay na kabilang ang kanilang pinagtatrabahuan na pinahihintulutang mag-operate sa kasalukuyang quarantine status.
Habang ang hindi makapagpiprisinta ng kaukulang dokumento ay inatasang pabalikin ng mga pulisya sa kanilang tahanan.